Ang mga tulang nabuo ay para sa mga nafriendzone, naiwan, binalewala, sinaktan, ginago, di makamove-on. Mga tula na halos lahat ng kabataan ay makakarelate dito.
Maling Pag-ibig
ni: mosh21
Ang maririnig nyong tula
Ay pawang aking nilikha
Sa mga hugot kayo'y mamangha
Iguhit man sa tubig ay di magawa
Sapagkat ito'y baon na sa puso't diwa
Ako'y walang tali sa bibig
Kaya't ibabahagi ko ang aking pag-ibig
Pag-ibig na siyang makabasag dibdib
Ngayong punto mismo kayo ay makinig
Sa tula kong pinamagatang "maling pag-ibig"
Oo mahal, alam ko
Ikrus man sa noo
Ako'y hindi nagiisa sa puso mo
Dahil bago paman magkaroon ng "tayo"
Ay meron ng "kayo"
Magiging bilang man ang araw ko
Kailan may hindi ka maging akin ng buo
Ano ba naman ang laban ko?
Sa kanya at mapaghusgang mundo
Lalo na sa masasamang tao at tsismoso
Pangarap mo sa akin
Ah hubad sa katotohanan
Dahil kahit anong gawin ko
Papiliin man kita kong "siya o ako"
Alam kong sa huli ako parin ang talo
Akoy humanap ng batong ipinukpok sa ulo
Sa mundong pilit nyong binubuo
Pero hindi kona alintana pa
Kung ano ba ang tama o mali
O kung ano ang dapat o hindi
Dahil ang mahalaga'y tayong dalawa
Sa mundong ako at ikaw naman ang bida
Wala na akong pakialam
Sa sasabihin ng ibang tao
Kapupalad, malandi sanay na ako
Ang mahalaga'y tayo'y magkasama at nakangiti
Sa awitan mong nakawiwili
Kahit alam kong sa huli
Sa kanya ka padin uuwi
Kaya't Mahal ko
Gagapang na parang ahas nalang ako
At ako na mismo ang lalayo
Palayo sa mundong di ko sinadyang magulo
Dahil ang tanging kasalanan ko lamang
Ay umibig ako sa maling tao
Digmaan para sa kalayaan
ni:BlueYoo:)
Aking lupang sinilanga'y muling nagulo
Sa digmaang pamahalaan at sindikato
Dahil sa pagdating ng ating bagong pangulo
Parang isang bungang tulog, ngunit itoy totoo
Tila bumalik ang bakas ng kahapong ito
Nang muling umosbong ang digmaang Martial Law
Na sumira sa ating buhay at pagkatao
Tulad ng isang bagyo at delubyo
Di normal ang naririnig
Tuhod ay nanginginig
Puso'y mabibilis ang pintig
Dahil sa baril at bomba ng magkabilang panig
Kay raming sundalo at sibilyan ang namayapa
Kasabay nito bumaha ng dugo at luha
Nadadamay din ang buhay ng matatanda at bata
Dahil sa walang tigil na digma
Mga sundalong naiwan, may bakal sa kalooban
Upang ipagpatuloy ang laban para sa kapayapaan
Para ipagtanggol ang inang bayan
Sa paghihirap na hindi na makayanan
Walang tigil na digma
Para lang makuha ang kapayapaang ninanasa
Bakit pa tayo magpapatayan sa sarili nating bayan
Kung ang bunga nito'y gulo at digmaan
Kay tindi man yaong sakripisyo
Maraming buhay man ang naglaho
Nagpasan sa krus, upang kapayapaa'y matamo
Ito'y mahalaga sa ating buhay at pagka pilipino
Para saan ang kaguluhan ?
Na wala namang maidudulot na kagandahan
Wariy sinisira lang ang pinakamamahal na tahanan
Na bukod tanging pawis ang ating pinuhunan
Na sa isang kisap mata nawala lang ng tuluyan
Winasak lang ng mga taong uhaw sa kapangyarihan
Kaibigan Kung Tunay, Walang Makakapantay
ni: infinite01^_^
Isa sa pinakahahangad ko sa buhay
Ang magkaroon ng kahiramang suklay
Mga kaibigan kung tunay
Walang makakapantay
Kami ay sama~sama
Saan man magpunta
Kahit butas aming mga bulsa
Bast'at kami ay gagala
Simple lang kaming tingnan
Pero marami kaming pinagdadaanan
Minsan may mga di pagkakaintindihan
Paglipas ng araw itoy aminh malalagpasan
Di man kami perpekto
Kami nama'y mga totoo
Minsan din ay seryoso
Kahit ang iba sa ami'y mga siraulo
Di mapapantayang kalokohan
Sa mga tropa kung puno nb kahibangan
Mga nakakatuwang kwentuhan
At mga bagong aral na natutuna
Maraming salamat sa inyo
Mga kabungguang balikat ko
Sa mga storyang ating nabuo
Sana sa paglipas ng panahon di tayo magbago
Buhay Estudyante
ni:Pororo
Edukasyon, kailangan ng mga kabataan
Sapagkat bunga nito'y magandang kinabukasan
Magsunog ng kilay siyang kinakailangan
Upang pangarap nati'y makamtan
Dito nabuo ang salitang "estudyante"
Salitang sumisimbolo sa buhay na di madali
Ngunit mag-aral ng mabuti
Kung ayaw mong sa huli ay magsisi
Elementarya,hayskol, kolehiyo
Iisipin mo pala'y masakit na sa ulo
Ngunit kailangang magsakripisyo
Upang tayo'y umasenso
Si Maam at si Sir parte rin ng aming buhay
Projects at assignment sa ami'y binibigay
Okay lang, sila nama'y nakagabay
Pati pagmamahal nila'y taos pusong inaalay
Minsa'y hindi na kumakain
Masagutan lang ang mga takdang aralin
Oo mahirap, pero kailangang tiisin
Kung ayaw mong maging alilang-kanin
Bawat estudyante may kanya kanyang karunungan
Mayroong kung mag aral ay walang tulugan
Ang iba nama'y pinapairal ang katamaran
Kaya nama'y sa test uso ang kopyahan
Mga estudyante ri'y may kanya kanyang appeal
Kung makaporma'y feel ne feel
Pero wala namang ballpen at papel
Yung totoo, estudyante ka ba o model ?
Ang pag-aaral nama'y di makokompleto
Kung wala kang kasamang mga siraulo
Sila yung tunay na nakakaintindi sa'yong pagkatao
Kaibigan, tamang salita para dito
Buhay ng estudyante, tunay ngang makulay
Mga karanasa'y walang kapantay kaya nama'y tandaan, hindi mo maranasan ang tunay ma tagumpay
Kung hindi ka makakaranas ng pagsubok sa buhay
Pag-ibig sa kapwa
Ni: Soit
Ika'y tumunghay at igala ang paningin
Balat ng lupa sikaping palawakin
Sa wari'y hindi mo nadarama mandin
Paghihirap ng kapwa sa paligid natin
May ibang may tahanan ngang naturingan
Ngunit tinig ng bahaw na salabis na kalam ang tiyan
Ama't inay walang tiyak na pagkukunan
Puso'y nawawasak tuwing bunso'y pinagmasdan
Ni minsan bay naranasan mo nang mabasa?
Maginaw, mamaluktot, nagpasan sa krus sa maliit na dampa
O kaya'y maanod habang lambing sa pagtulog
At biglang magising sa labis na pangangatog
Bagaman sa dugo'y walang relasyon
Sila nama'y kapatid kay Jesus na panginoon
Huwag sanang pumikit, mata moy ituon
Maging bukas palad sa biktima na pagkakataon
Isa kang bayani oh ginintuang puso na matulungin
Ibayong pagpapala ang iyong tatanggapin
Trumpeta ng kagalakan sa iyo'y tutugtugin
Diyos na lumikha ikaw ay pupurihin