Huwebes, Oktubre 5, 2017

Tulang May Idyoma

   Ang mga tulang nabuo ay para sa mga nafriendzone, naiwan, binalewala,  sinaktan, ginago, di makamove-on. Mga tula na halos lahat ng kabataan ay makakarelate dito.


Maling Pag-ibig
ni: mosh21

Ang maririnig nyong tula 
Ay pawang aking nilikha
Sa mga hugot kayo'y mamangha
Iguhit man sa tubig ay di magawa
Sapagkat ito'y baon na sa puso't diwa

Ako'y walang tali sa bibig
Kaya't ibabahagi ko ang aking pag-ibig
Pag-ibig na siyang makabasag dibdib 
Ngayong punto mismo kayo ay makinig
Sa tula kong pinamagatang "maling pag-ibig"

Oo mahal, alam ko
Ikrus man sa noo
Ako'y hindi nagiisa sa puso mo
Dahil bago paman magkaroon ng "tayo"
Ay meron ng "kayo"

Magiging bilang man ang araw ko
Kailan may hindi ka maging akin ng buo
Ano ba naman ang laban ko?
Sa kanya at mapaghusgang mundo
Lalo na sa masasamang tao at tsismoso

Pangarap mo sa akin
Ah hubad sa katotohanan
Dahil kahit anong gawin ko
Papiliin man kita kong "siya o ako"
Alam kong sa huli ako parin ang talo

Akoy humanap ng batong ipinukpok sa ulo
Sa mundong pilit nyong binubuo
Pero hindi kona alintana pa
Kung ano ba  ang tama o mali
O kung ano ang dapat o hindi 
Dahil ang mahalaga'y tayong dalawa
Sa mundong ako at ikaw naman ang bida

Wala na akong pakialam
Sa sasabihin ng ibang tao
Kapupalad, malandi sanay na ako
Ang mahalaga'y tayo'y magkasama at nakangiti
Sa awitan mong nakawiwili
Kahit alam kong sa huli
Sa kanya ka padin uuwi


Kaya't Mahal ko
Gagapang na parang ahas nalang ako
At ako na mismo ang lalayo
Palayo sa mundong di ko sinadyang magulo
Dahil ang tanging kasalanan ko lamang
Ay umibig ako sa maling tao



Digmaan para sa kalayaan
ni:BlueYoo:)

Aking lupang sinilanga'y muling nagulo
Sa digmaang pamahalaan at sindikato
Dahil sa pagdating ng ating bagong pangulo
Parang isang bungang tulog, ngunit itoy totoo

Tila bumalik ang bakas ng kahapong ito
Nang muling umosbong ang digmaang Martial Law
Na sumira sa ating buhay at pagkatao
Tulad ng isang bagyo at delubyo

Di normal ang naririnig
Tuhod ay nanginginig
Puso'y mabibilis ang pintig
Dahil sa baril at bomba ng magkabilang panig

Kay raming sundalo at sibilyan ang namayapa
Kasabay nito bumaha ng dugo at luha
Nadadamay din ang buhay ng matatanda at bata
Dahil sa walang tigil na digma

Mga sundalong naiwan, may bakal sa kalooban
Upang ipagpatuloy ang laban para sa kapayapaan 
Para ipagtanggol ang inang bayan
Sa paghihirap na hindi na makayanan

Walang tigil na digma
Para lang makuha ang kapayapaang ninanasa
Bakit pa tayo magpapatayan sa sarili nating bayan
Kung ang bunga nito'y gulo at digmaan

Kay tindi man yaong sakripisyo 
Maraming buhay man ang naglaho
Nagpasan sa krus, upang kapayapaa'y matamo
Ito'y mahalaga sa ating buhay at pagka pilipino

Para saan ang kaguluhan ?
Na wala namang maidudulot na kagandahan
Wariy sinisira lang ang pinakamamahal na tahanan
Na bukod tanging pawis ang ating pinuhunan
Na sa isang kisap mata nawala lang ng tuluyan
Winasak lang ng mga taong uhaw sa kapangyarihan





Kaibigan Kung Tunay, Walang Makakapantay
ni: infinite01^_^

Isa sa pinakahahangad ko sa buhay
Ang magkaroon ng kahiramang suklay
Mga kaibigan kung tunay
Walang makakapantay

Kami ay sama~sama
Saan man magpunta
Kahit butas aming mga bulsa
Bast'at kami ay gagala

Simple lang kaming tingnan
Pero marami kaming pinagdadaanan
Minsan may mga di pagkakaintindihan
Paglipas ng araw itoy aminh malalagpasan

Di man kami perpekto
Kami nama'y mga totoo
Minsan din ay seryoso
Kahit ang iba sa ami'y mga siraulo

Di mapapantayang kalokohan
Sa mga tropa kung puno nb kahibangan
Mga nakakatuwang kwentuhan
At mga bagong aral na natutuna 

Maraming salamat sa inyo
Mga kabungguang balikat ko
Sa mga storyang ating nabuo
Sana sa paglipas ng panahon di tayo magbago



Buhay Estudyante
ni:Pororo
Edukasyon, kailangan ng mga kabataan
Sapagkat bunga nito'y magandang kinabukasan
Magsunog ng kilay siyang kinakailangan
Upang pangarap nati'y makamtan

Dito nabuo ang salitang "estudyante"
Salitang sumisimbolo sa buhay na di madali
Ngunit mag-aral ng mabuti
Kung ayaw mong sa huli ay magsisi

Elementarya,hayskol, kolehiyo
Iisipin mo pala'y masakit na sa ulo
Ngunit kailangang magsakripisyo
Upang tayo'y umasenso
Si Maam at si Sir parte rin ng aming buhay
Projects at assignment sa ami'y binibigay
Okay lang, sila nama'y nakagabay
Pati pagmamahal nila'y taos pusong inaalay

Minsa'y hindi na kumakain
Masagutan lang ang mga takdang aralin
Oo mahirap, pero kailangang tiisin
Kung ayaw mong maging alilang-kanin

Bawat estudyante may kanya kanyang karunungan
Mayroong kung mag aral ay walang tulugan
Ang iba nama'y pinapairal ang katamaran
Kaya nama'y sa test uso ang kopyahan

Mga estudyante ri'y may kanya kanyang appeal
Kung makaporma'y feel ne feel 
Pero wala namang ballpen at papel
Yung totoo, estudyante ka ba o model ?

Ang pag-aaral nama'y di makokompleto
Kung wala kang kasamang mga siraulo
Sila yung tunay na nakakaintindi sa'yong pagkatao
Kaibigan, tamang salita para dito

Buhay ng estudyante, tunay ngang makulay 
Mga karanasa'y walang kapantay kaya nama'y tandaan, hindi mo maranasan ang tunay ma tagumpay
Kung hindi ka makakaranas ng pagsubok sa buhay





Pag-ibig sa kapwa
Ni: Soit

Ika'y tumunghay at igala ang paningin
Balat ng lupa sikaping palawakin
Sa wari'y hindi mo nadarama mandin
Paghihirap ng kapwa sa paligid natin


May ibang may tahanan ngang naturingan
Ngunit tinig ng bahaw na salabis na kalam ang tiyan
Ama't inay walang tiyak na pagkukunan
Puso'y nawawasak tuwing bunso'y pinagmasdan

Ni minsan bay naranasan mo nang mabasa?
Maginaw, mamaluktot, nagpasan sa krus sa maliit na dampa
O kaya'y maanod habang lambing sa pagtulog
At biglang magising sa labis na pangangatog

Bagaman sa dugo'y walang relasyon
Sila nama'y kapatid kay Jesus na panginoon
Huwag sanang pumikit, mata moy ituon
Maging bukas palad sa biktima na pagkakataon


Isa kang bayani oh ginintuang puso na matulungin
Ibayong pagpapala ang iyong tatanggapin
Trumpeta ng kagalakan sa iyo'y tutugtugin
Diyos na lumikha ikaw ay pupurihin

8 komento:

  1. ang galing niyo poπŸ˜€πŸ˜€πŸ˜€

    TumugonBurahin
  2. Thanks makakagawa naako ng assignment sa filipinoπŸ˜‚πŸ˜‚

    TumugonBurahin
  3. Magandang umaga po sa inyo.Nangangailangan po ako ng tulang gagamitin sa pagsulat ng modyul sa ikatlong baitang pwede ko po bang magamit ang ilan sa linya ng akda ni Infinite 01 tungkol sa pagkakaibigan?

    TumugonBurahin
  4. Thanks po may sagut na po ako sa pilipino

    TumugonBurahin
  5. Salamat sayu sa tulang ito
    Nalaman ko kung sino ang tao para sakin
    Ang tama at mali na minsan ay aking nakaligtaan
    Para sa pagibig ngunit ngayun alam ko na
    Na sya ay hindi para saakin susubukan kalimutan
    Maalis sa king isipan na ako ay nagmhl sa maling tao

    TumugonBurahin
  6. π™°πš—πš πšπšŠπš•πš’πš—πš πš—πš’πš˜ πš™πš˜, πš™πš πšŽπšπšŽ πš™πšŠ πšŒπš˜πš™πš’ πš™πšŠπš—πš πš™πš›πš˜πš“πšŽπšŒπš πš•πšŠπš—πšπŸ˜

    TumugonBurahin
  7. Slots Empire | Gaming, Bingo & Live Dealer Casino - JTM Hub
    Jumia Gaming μ˜€μ‚° 좜μž₯λ§ˆμ‚¬μ§€ and Casino Online. Get Your Sign Up. Jumia Gaming μ„Έμ’…νŠΉλ³„μžμΉ˜ 좜μž₯μ•ˆλ§ˆ and Casino Online. Get μ„œμ‚° 좜μž₯샡 Your Sign Up. Jumia Gaming and Casino Online. Get Your Sign Up. Jumia Gaming and Casino Online. Get Your Sign Up. 당진 좜μž₯샡 Jumia Gaming and Casino μ•„μ‚° 좜μž₯샡 Online. Get Your Sign Up.

    TumugonBurahin

Tulang May Idyoma

Ang mga tulang nabuo ay para sa mga nafriendzone, naiwan, binalewala, sinaktan, ginago, di makamove-on. Mga tula na halos lahat ng kabat...